Tiwala ang Malakanyang na madidepensahan nila ang anumang kritisismo ng mga kalaban sa pulitika o oposisyon lalo na at panahon na ng eleksyon.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, nakabukas ang record ng Administrasyong Aquino sa pagsisiyasat ng publiko.
Kaya hindi sila nangangamba o nababahala sa anumang magiging puna ng kalaban sa pulitika.
Ayon kay Secretary Coloma, sa ilalim ng naging liderato ni pangulong aquino umayon ito sa mga ipingako niya sa taumbayan maging ang pambansang budget ay naaayon sa Philippine Development Plan.
Umaasa ang Malakanyang na magiging makatuwiran at patas ang magiging pagpapasya ng mga Pilipino partikular na sa magiging pagpapasya sa darating na eleksyon.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: 2016 elections, Bongbong Marcos, Malacañang, Miriam Defensor Santiago