Malacañang, bukas sa pagamyenda ng Senado sa proposed BBL

by dennis | June 4, 2015 (Thursday) | 1281
File photo: Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte

File photo: Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte

Payag ang Malacañang sakaling magkaroon ng pagbabago sa draft ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ito ang reaksiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa sinabi ni Senator Bongbong Marcos, chairman ng Senate committee on local government, na nagnanais na baguhin ang ilang probisyon sa bersyon ng Malacanang upang maisulong ang kaniyang mga suhestiyong pagbabago.

Nilinaw ni Valte na bukas ang administrasyon sa anumang amyenda sa naturang panukala maliban sa pagbabago sa tunay na otonomiya na layunin ng BBL.

Patuloy naman aniyang makikipagtulungan ang administrasyong Aquino sa mga mambabatas para maisulong ang panukalang batas.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: , , ,