Makukulay at ibat-ibang disenyo ng hot air balloon, tampok sa International Balloon Festival sa Lubao, Pampanga

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 1544

HOT-AIR-BALLOON
Kani-kaniyang paghahanda ang mga balloonist na lumahok sa binuksang 3rd Hot Air Balloon International Festival sa Lubao Pampanga kahapon.

Ayon sa Department of Tourism Region 3, ito na ang pinakamalaking hot air balloon festival sa Southeast Asia dahil sa dami ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

Inaasahang dadagsa ang nasa 80, 000 hanggang 100,000 turista upang saksihan ang event na ito.

Tampoksa 3rd Lubao International Balloon Festival ang mga makukulay at ibat-ibang disenyo ng hot air balloon.

May balloon na hugis octopus, may buwaya, may ice cream at prutas na mula sa bansang Germany, Europe, Malaysia at US.

Bukod sa panonood ng makukulay na hot air balloon ay may ibang activities rin na pwedeng gawin dito gaya ng picnic, may kiddie rides rin at mga inflatable na palaruan.

Ang hot air balloons festival sa Pampanga ay tatagal hanggang sa April 17, araw ng Linggo.

(Joshua Antonio/UNTV RADIO)

Tags: