Makati Vice Mayor Kid Peña, hihintayin muna ang desisyon ng Korte Suprema sa inihaing petisyon ng Ombudsman

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1732

kid-pena

Hihintayin muna ni Vice Mayor Romulo “Kid” Peña ang magiging desisyon ng Supreme Court kaugnay sa inihaing petition for certiorari and prohibition ng Office of the Ombudsman kaugnay ng suspension order na ipinataw nito kay Makati Mayor Junjun Binay at 22 pang opisyal ng lungsod.

Ayon kay Peña, hangga’t walang ibinibigay na direktiba sa kanya ang Ombudsman at Department of the Interior and Local Government na lisanin na ang posisyon, mananatili pa rin siyang acting mayor ng Makati.

Muli namang iginiit ni Peña, na wala na sa kanyang pananugutan ang isyu ng hindi pa rin pagpapasweldo sa ilang empleyado ng city hall partikular na ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Paliwanag ni Peña, ang pinakamataas na miyembro na ng konseho ang may reponsibilidad sa pagpirma sa ilang mga dokumento upang maibigay na ang sahod ng ilan pang mga empleyado.

Kahapon ay nanawagan si Binay kay Peña na gampanan nang muli ang trabaho bilang vice mayor ng Makati. Ito’y matapos na katigan ng Court of Appeals ang writ of preliminary injuction na nagpapalawig sa TRO laban sa suspension order na ipinataw ng Ombudsman kay Binay.

Samantala nagtakda na ang Korte Suprema ng oral arguments.

Tags: , ,