Makati City Mayor Junjun Binay pansamantalang bumaba sa pwesto

by Radyo La Verdad | July 1, 2015 (Wednesday) | 1095

MAYOR JUNJUN
Nagdesisyon si Mayor Junjun Binay na umalis muna sa Makati City Hall

Ito’y matapos hindi maglabas ng Temporary Restraining Order ang Court of Appeals sa at sa halip ay pinagsusumite nito ang Ombudsman ng kanilang panig ukol sa petition ni Binay.

Sa kanyang talumpati kanina sa harap ng kanyang mga taga suporta, ipaliwanag ng alkalde na ginawa niya ito upang hindi na maulit ang gulo na nangyari kahapon

Sinabi pa ni Mayor Binay na bahagi ng kanilang paninidigan ay ang pagsunod sa kautusan ng mga hukuman.

Ngunit tiniyak nito na hindi sila susuko sa laban nila para sa Makati City.

Tags: