Makati City Hall,binuksan na

by Radyo La Verdad | July 2, 2015 (Thursday) | 845

makati-2
Binuksan na ngayong araw ang Makati City Hall upang makapagsimula na si acting mayor Romulo “Kid” Peña sa kanyang bagong tungkulin.

Inumpisahan na ni Peña ang paglilibot sa city hall upang tignan ang kalagayan ng mga kawani ng pamahalaang panglungsod.

Pansamantala aniya siyang mag oopisina sa entrance ng lobby habang inaayos pa ang kaniyang magiging opisina at sa layunin na rin na maging madali para sa mga tao na siya ay malapitan.

Mananatili naman ang paggalang nito sa opisina ni suspended Mayor Junjun Binay na kasalukuyang naka-padlock.

Bukas ay pasisimulan na ang pag-iimbentaryo sa mga kagamitan sa loob ng makati city hall.(Joms Malulan/UNTV Radio Correspondent)