Para sa Makabayan congressman, hindi rin mapapakinabangan ng mga manggawa ang executive order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa grupo, ang nakasaad sa section 2 ng executive order ay pinagbabawal na ang illegal contructing o sub-contracting. Sa section 5 naman ay papanagutin ang sinomang lalabag at hindi magpapatupad ng mga ito.
Pero ayon sa Makabayan congressmen, wala itong pinagbago sa kasalukuyang nakasaad sa labor code.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kataka-taka ang naging reaksyon ng mga laban sa administrasyong Duterte.
Ang mahalaga aniya ay ang pagpirma ng pangulo sa order ay katuparan lamang ng ipinangako ng pangulo para resolbahin ang suliraning endo na lumalabag sa security of tenure ng mga manggagawa. Giit ni Roque, nasa kamay na ito ng Kongreso.
Samantala, kuntento ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa nilagdaang EO ng pangulo; patas at makatarungan umano ito para sa lahat.
Ngunit ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) naman ay nanawagan sa pangulo na tiyaking maipapasa ang security of tenure bill.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: EO, Makabayan bloc, Pangulong Duterte