Majority ng mga senador, lumagda na Senate report kaugnay ng Mamasapano incident

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1777

GRACE POE

Umaabot na sa 15  ang mga senador na  pumirma na sa report ng Senado ukol sa imbestigasyon nito sa Mamasapano incident.

Sa isang text message, sinabi ni Senadora Grace Poe na sapat na ang bilang ng mga pirma upang isumite ang draft report sa plenaryo para iadopt o ireject ito.

Ngunit hihintayin pa ni Poe, ang ilang senador na hindi pa lumalagda sa report bago niya ito i-file.

Ipi-presinta ni Senator  Poe ang naturang report sa Mayo.

Sa ngayon ang  mga naka-pirma na ay sina Senador Grace Poe, Escudero, Sotto, Osmena, Pimentel, Marcos, Cayetano A, Binay, Recto, Cayetano P, Defensor-Santiago, Jinggoy Estrada, Honasan, Revilla at  JV Ejercito.

Nakasaad sa Senate report na may malaking responsibilidad si Pangulong Aquino, Retired PNP General Alan Purisima, at Getulio Napenas sa Mamasapano incident.

Samantala, naniniwala naman si Senador Alan Peter Cayetano na kailangang ipagpatuloy pa ang imbestigasyon  sa Mamasapano incident. ( Darlene Basingan,UNTV News Worldwide )

 

Tags: ,