Mahigpit na pagpapatupad curfew hours, tila walang epekto sa isang barangay sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 2806

JERICO-01
Dalawamput isang menor de edad ang pansamantalang dinala at pinagpahinga ng mga barangay official sa multipurpose hall ng Brgy. Addition Hills matapos mahuling pagala-gala pa pasado alas diyes kagabi.

Bunsod nito ay muli nilang pangangaralan ang mga magulang upang madisiplina ang kanilang mga anak.

Bagama’t may mga magulang na nagagalit sa isinasagawa nilang operasyon, hindi naman aniya ito makakahadlang sa pagpapatupad nila ng batas.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,