Mahigit sa 300-thousand voters sa Eastern Visayas hindi makakaboto ngayong 2016 elections

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 1455

JENELYN_HINDI-MAKAKABOTO
Naglabas na ng pinal na listahan ang Commission on Elections para sa mga hindi makakaboto sa Region 8 ngayong 2016 elections.

Sa tala ng COMELEC Region 8, mahigit sa tatlong daang libong mga botante sa Eastern Visayas ang hindi makakapag participate ngayong darating na halalan dahil sa ibat-ibang mga kadahilanan.

Mahigit 81-thousand voters ay hindi nakapag comply sa biometrics, ayon kay COMELEC Regional Director Jose Nick Mendros, hindi sila masisisi nang mga ito dahil bukod sa advertisement sa tv, radio at print nagpakalat rin sila ng mga posters na nagpapaala-ala sa mga botante na “no bio no boto”.

Dagdag pa ni Mendros, sa ilalim ng Republic Act 8189 kapag ang isang botante hindi nakaboto ng dalawang beses tatanggalin rin ito sa listahan, kaya naman mahigit sa dalawang daang libong botante rin ang tuluyang naalis sa talaan ng ahensya.

May inalis rin sila na 2,004-voters dahil sa double entry.

Habang 15,549 ay na-validate na patay na.

Bagamat nabawasan ang makakaboto sa Region 8 ngayong 2016 elections, nakita ng COMELEC na mas mataas pa rin ang bilang ng mga registered voters ngayon dahil may 2.6- million (2,698,880) voters kumpara noong 2013 elections na may 2.4-million (2,440,757) voters lamang.

Dahil rito magdadagdag ang COMELEC ng clustered precincts sa anim na probinsya ng rehiyon.

Samantala, umaasa ang COMELEC na susunod sa guidelines ang 3,436 na mga kandidato sa rehiyon para mapanatiling mapayapa ang halalan ngayong 2016.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,