Mahigit P6 na dagdag sa presyo ng Petrolyo, asahan bukas (Oct. 11)

by Radyo La Verdad | October 10, 2022 (Monday) | 6812

METRO MANILA – Pagkatapos ng sunod-sunod na rollback, magpapatupad naman ng bigtime oil price increase ang mga kumpanya ng langis ngayong Linggo.

Sa pagtaya ng Oil Industry players, aabot sa P6 o higit pa ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng Diesel.

Inaasahan namang tataas ng mahigit P1 ang kada litro ng gasolina.

Samantala, P3.50 – P3.70 naman ang maaaring madagdag sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Tags: