Mahigit P2-milyon, tinatayang halaga ng pinsala ng sunog sa Libmanan, Camarines Sur

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 2100

ALLAN_SUNOG
Halos uling at abo na lamang ang natira matapos tupukin ng apoy ang limang tindahan sa tapat ng Libmanan Municipal Hall sa Camarines Sur mag-aalas singko kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, posibleng nagsimula ang sunog sa tindahan ng mga office supplies na pagmamay-ari ng Imperial family.

Ngunit ayon sa Bureau of Fire Protection, inaalam pa rin ang pinagsimulan ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga tindahan ay gawa sa light materials.

Maliban sa mga office supplies kasama rin sa mga nasunog ang mga panindang mga cellphones, photo copy machines, mga computer sets at printers na tinatayang aabot sa mahigit 2 milyong piso.

Nakatakda naman na magbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng libmanan sa mga nasunugan.

Samantala umabot sa second alarm ang sunog na tumagal ng halos dalawang oras.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,