Mahigit P1M halaga ng iligal na droga, nasabat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Gen. Trias City, Cavite

by Radyo La Verdad | September 12, 2018 (Wednesday) | 2945

Sinalakay ng General Trias City Police ang bahay ng nasa drug watchlist ng pulisya sa Barangay San Francisco kagabi.

Arestado ang mga suspek na sina Randy Vargas, Pedro Lazaga, Myla Cervantes at Jervic Saguinlao.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa pitong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 24 grams at street value na 150,000 piso.

Muli namang nagsagawa ng isa pang drug buy bust operation ang mga otoridad sa kapareho ding barangay kung saan nasakote si Dimarao Bangon na umano’y malakas na tulak ng iligal na droga sa lungsod.

Nakumpiska kay Bangon ang nasa 155 grams na hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Nasa kustodiya na ng PNP ang mga naarestong suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

( Benedic Samsom / UNTV Correspondent )

Tags: , ,