Mahigit dalawandaang horse rider pumarada sa grand opening ng Rodeo Festival sa Masbate

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 2218

gerry_rodeo-festival
Aabot sa dalawandaang horse drider ang pumarada sa pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng Rodeo Masbatenyo Festival sa syudad ng Masbate.

Nakiisa ang ibat ibang sangay ng pamahalaan at eskwelahan sa grand parade sa Rodeo Festival kaninang umaga.

Dumagsa ang mga local at foreign tourist upang saksihan ang pagsisimula ng maaksyong paligsahan sa Grand Rodeo Arena.

Ayon sa Rodeo Masbatenyo Incorporated labindalawang team ang kasali sa ibat ibang kategorya upang magpakitang gilas sa maaksyong rodeo.

Nagsimula na rin ang trade fair ng Department of Trade and Industry kung saantampok ang mga produktong gawa ng mga residente sa Masbate at karatig lalawigan sa Bicol Region.

Mahigpit na seguridad naman ang ipinatutupad ng pulisya sa syudad ng Masbate kaugnay ng pagdiriwang ng Rodeo Festival.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,