Mahigit 600 kooperatiba, nakiisa sa tatlong araw na selebrasyon ng Cooperative Month sa Nueva Ecija

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 2020

Mahigit anim na raang kooperatiba mula sa tatlumpu’t dalawang bayan sa Nueva Ecija ang nakiisa sa isinagawang tatlong araw na  pagdiriwang ng Cooperative Month sa Cabanatuan City.

Tampok sa pagdiriwang ang iba’t-ibang uri  ng mga produkto ng mga kooperatiba gaya furniture, tsinelas, gulay, at mga processed food.

Nagkaroon din ng iba’t-ibang aktibidad gaya ng singing, slogan, at artwork competition.

Bumisita rin si Senator Miguel Zubiri sa ikatlong araw ng pagdiriwang kung saan  ipinahayag nito na isinusulong ngayon ang pagbibigay ng karagdagang limampung milyong pisong pondong para sa capacity building and training ng mga kooperatiba.

 

Tags: , ,