Mahigit anim na raang kooperatiba mula sa tatlumpu’t dalawang bayan sa Nueva Ecija ang nakiisa sa isinagawang tatlong araw na pagdiriwang ng Cooperative Month sa Cabanatuan City.
Tampok sa pagdiriwang ang iba’t-ibang uri ng mga produkto ng mga kooperatiba gaya furniture, tsinelas, gulay, at mga processed food.
Nagkaroon din ng iba’t-ibang aktibidad gaya ng singing, slogan, at artwork competition.
Bumisita rin si Senator Miguel Zubiri sa ikatlong araw ng pagdiriwang kung saan ipinahayag nito na isinusulong ngayon ang pagbibigay ng karagdagang limampung milyong pisong pondong para sa capacity building and training ng mga kooperatiba.
Tags: Cooperative Month, Nueva Ecija, produkto