Mahigit 4,200, napatay sa war on drugs ng pamahalaan simula ika-1 ng Hulyo 2016 hanggang ika-15 ng Mayo 2018

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 4634

Sa loob ng dalawang taong kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, patuloy na tumataas ang bilang ng mga nahuhuli at napapatay.

Sa halos isang daang libong drug operations na ang naisagawa ng pambansang pulisya, mahigit 143,000 na ang naaresto at mahigit 4,200 na ang napatay.

Sa bilang ng mga naaresto, nasa 506 ang manggagawa ng pamahalaan, kung saan 241 ang government employees, 217 ang elected officials at 48 naman ang uniformed personnel.

Halos 700,000 naman na menor de edad ang narescue ng mga otoridad. Nasa mahigit 2,700  kilos na shabu na rin ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) na may street value na 14.34 bilyong piso.

Sa ngayon, nasa mahigit 20 bilyong piso na ang kabuuang halaga ng shabu ang nakumpiska ng pamahalaan.

Nasa 192 nasirang shabu den at shabu laboratory ng mga otoridad. Sa naturang bilang, 180 ang drug den at 12 ang clandestine drug laboratory.

Umabot naman sa mahigit pitong libo ang reklamong hawak ng Department of Justice (DOJ). Kung saan nasa 6,330 ang naresolba na at 731 ang pending pa.

Sa mga sumuko, nasa halos 190,000 na ang nakagraduate sa rehabilitation centers kung saan 82,148 dito ang PNP initiated at 108,668 ang tinulungan ng komunidad.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,