Mahigit 400 sundalo, ipinadala sa WESTMINCOM

by Radyo La Verdad | August 24, 2016 (Wednesday) | 974

AFP-2
Nagdeploy na ng karagdagang sundalo ang Armed Forces of the Philppine o AFP upang tumulong sa operasyon laban sa grupong Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.

Mahigit apat na raang sundalo ang itinalaga ngayon ng AFP sa Western Mindanao Command.

Kabilang ang 69th infantry battalion sa labing anim na battalion mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ipinadala sa WESTMINCOM.

Umaasa ang hanay ng mga sundalo na magiging matagumpay ang operasyon laban sa grupo ng Abu Sayyaf.

Samantala, magkakaroon naman ng second send-off ceremony bukas para sa 2nd scout ranger battalion na ipapadala sa WESTMINCOM.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,