Mahigit 40 senatorial aspirants, diniskuwalipika ng Comelec

by Jeck Deocampo | January 8, 2019 (Tuesday) | 5232

MANILA, Philippines – Magsisimula na sa susunod na linggo ang election period para may 2019 midterm elections. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin inilalabas ng Commission on Elections na pinal na listahan ng mga kandidato.

Ngunit ayon kay COMELEC Spokesperson Director James Jimenez, mahigit 40 mula sa 152 na nagsumite ng kandidatura sa pagkasenador ang kanilang diniskwalipika.

Sa pagsala ng poll body, pasok ang mga ito sa nuisance candidates kaya nagdesisyon ang law department at Comelec en banc na i-disqualify ang mga ito.

Kabilang na rito ang mga walang kakayahang magsagawa ng pangangampanya. May pito na rin aniya na boluntaryong umurong sa senatorial race.

Pahayag ni Director Jimenez,as of last week, more than 40 disqualification cases were handed out, but because of differences in when these decisions were received, wala tayong isang araw para sa finality kasi bibilangin ang finality based on when the decision when it’s actually received by the party.”

Ihahabol ng Comelec ang pinal na listahan bago simulan ang pag-iimprenta ng mga balota sa ikatlong linggo ng Enero. Samantala, bumubuo na ng panuntunan ang poll body para limitahan ang gastos ng mga kandidato sa social media. Target itong mailabas komisyon bago mag umpisa ang campaign period sa february 12.

Isasasama ng komisyon sa kanilang monitoring ng campaign expenditures ang social media accounts ng mga kandidato na may mga advertisement.

Pero malaya anila ang mga kandidato na mangampanya pagpasok ng campaign period nguni’t dapat pa rin itong nakaayon sa Republic Act 9006 o ang Fair Elections Act na nagtatakda ng mga panuntunan para sa malinis at patas na halalan.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , , , , ,