Mahigit tatlong daang close circuit television cameras ang target na ma-install ng Bureau of Customs sa main building nito sa Maynila at sa mga lugar ng operasyon nito.
Kabilang dito ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA, Port of Manila at ang Manila International Container Terminal.
Ito ay bahagi ng programa ng administrasyon upang labanan ang talamak na korupsyon sa mga ahensya ng pamahalaan.
Sa inilabas na survey ng Social Weather Station noong August 2015, ang BOC ang pinakacorrupt sa tatlumpu’t anim na government institutions.
Sinundan ito ng Land Transportation Office, House of Representatives at Department of Public Works and Highways o DPWH.