Mahigit 220 pulis sa National headquarters, idineploy sa NCRPO ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 1347

lea_constantino
Dinagdagan na ng pamunuan ng Philippine National Police ang pwersa ng National Capital Region Police Office upang magbantay ngayong holiday season.

Ito’y matapos na kumuha ng augmentation ang mga ito ng 200 pulis sa National headquarters at 26 na Special Action Force upang ibigay sa NCRPO.

Ayon kay Deputy Chief for Operations P/DDG Danilo Constantino, ang nasabing mga pulis ay tutulong sa pagsasagawa ng beat patrol sa Edsa at sa mga matataong lugar upang masigurong ligtas ang publiko.

Bunsod nito, hindi na rin maaaring magbakasyon o mag-leave ang mga pulis simula ngayong araw hanggang Jan.6, 2016.

Inisa isa naman ni NCRPO Chief P/Dir. Joel Pagdilao ang mga lugar kung saan itatalaga ang 200 pulis gaya ng malls at bus terminals sa kahabaan ng Edsa na nasasakupan ng Eastern Police District, Southern Police District, Quezon City Police District at Northern Police District kabilang ang:

1.Edsa Shaw Crossing
2.Megamall
3.Robinson Galleria
4.Greenhills Shopping center
5.Cubao Ali mall
6.Boni Serrano
7.Araneta center
8.Aurora Blvd.
9.Baliwag Transit Inc.
10.Nepa Q.Mart
11.Jollibee Kamias
12.Shell Nia road
13.SM North Edsa
14.Shell 1015
15.Balintawak market
16.Jackman Muñoz
17.Monumento LRT Station
18.Victory Center Mall

Habang ang 26 na SAF ay itatalaga naman sa Pasay at Makati area lamang.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,