Umabot na sa dalampu’t apat ang nasawi sa inilunsad na one time big time drug operation ng Bulacan PNP kahapon. Sa siyam na bayan na kanilang inikot simula madaling araw kahapon, dalawang hinihinalang drug pusher ang nasawi sa Barangay Poblacion, Guiguinto Bulacan .
Dalawa rin ang namatay sa Barangay Loma de Gato Marilao Bulacan habang isa naman sa Barangay Wawa sa Bayan ng Balagtas. Mayroon ding naitalang casualties mula sa San Jose del Monte, Meycauayan, Malolos, Baliuag, Norzagaray, San Miguel, Plaridel, San Rafael at Sta. Maria. Nanlaban umano ang mga ito sa otoridad matapos makatunog na poser buyer ang kanilang ka-transaksyon.
Ayon kay Bulacan Provincial Director Police Senor Superrentendent Romeo Caramat, isang buwan nila pinagplanuhan ang naturang operasyon.
Bukod sa mga nasawing drug suspects, halos pitumpung drug personalities din ang naaresto, 22 baril at 150 grams ng hinihinalang shabu ang nakumpiska.
Ayon sa pamunuan ng PNP, walang anomalya sa isinagawang operasyon ng Bulacan PNP.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)