Mahigit 1,600 special permits, naaprubahan na ng LTFRB para sa holiday season

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 1706


Nagsimula nang magproseso ng special permits ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board para sa mga karagdagang bus na bibiyahe sa paparating sa long holiday.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, mahigit 1,600 units na public utility vehicles ang naaprubahan ang special permit sa nakalipas na tatlong linggo.

Maging ang Maritime Industry Authority ay pinaluwag muna ang pagbibigay ng special permits para sa karagdagang sasakyang pandagat na bibiyahe sa mga probinsya.

(Nel Maribojoc)

Tags: , ,