Mahigit 100 patay sa sunog sa isang templo sa India

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1325
isang templo sa Kerala, India(REUTERS)

isang templo sa Kerala, India(REUTERS)

Pumalo na sa mahigit isang daan ang nasawi sa sunog sa isang templo sa Kerala, India.

Mahigit tatlong daan rin ang naitalang nasugatan sa insidente.

Ayon sa local police nagsimula ang sunog ng madamay ang mga nakaimbak na paputok sa isinagawang fireworks display sa templo.

Aabot sa labing limang libong tao nasa templo para manood ng festival ng mangyari ang sunog.

Patuloy parin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Tags: ,