Mahigit 100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 3264

Idineklarang fireout ang sunog ganap na alas tres diyes ng madaling araw. Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Binuksan na rin ng barangay ang Panatag Covered Court upang magsilbing pansamantalang evacuation shelter ng mga nasunugan. Dagdag pa ni Samillano, ito na ang ikatlong beses na nasunog ang lugar na tinawag niyang ‘critical area’ dahil sa dami ng residente rito.

Nagpapaalala ang mga kawani ng BFP ng ibayong pag-iingat lalo ngayong ber months kung saan tumataas ang insidente ng sunog.

 

(Asher Cadapan Jr./ UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,