Magtiyuhin na naaksidente sa motorsiklo sa Balagtas, Bulacan tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 1696

NESTOR_TMBB
Nirespondihan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sakay ng motorsiklo na nabangga ng Isuzu van sa Mc Arthur highway sa Barangay Burol First, Balagtas, Bulacan kaninang alas dose ng tanghali.

Nagtamo ng hiwa sa palad at gasgas sa kamay at kanang balikat si Mang Lino Geronimo, 36 years old.

Habang ang driver ng motorsiklo na si Josua Sacdalan, 19 years na katatapos lang ng pag-aaral bilang pari ay nagtamo ng pasa sa kanang baywang, at iniinda ang pananakit ng binti at hita dahil sa pagkabagsak nito sa motorsiklo.

Matapos malapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue ang magtiyuhin ay tumanggi na itong magpadala pa sa pagamutan

Ayon sa driver ng van na si Wilfredo del Rosario mabagal lang ang kanyang takbo at hindi nya napansin ang kasunod na motorsiklo.

Nagulat nalang sya ng papasok na sa gate ng kumpanya ay bigla nalang sumulpot ang motorsiklo kaya nya ito nabangga.

Wala naman tinamong sugat ang driver ng van, subalit nangako itong sasagutin ang gastusin sa gamot, pagpapa- xray at papaayos sa nabanggang motorsiklo.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,