Magnitude 6.9 na lindol tumama sa Myanmar, naramdaman rin sa India at Bangladesh

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 2988
National Centre for Seismology(REUTERS)
National Centre for Seismology(REUTERS)

Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang border ng Myanmmar at India kagabi.

Ayon sa U.S. geological survey, tumama ang lindol sa Northwestern Myanmar at naramdaman rin sa Eastern India, Bangladesh at ilang bahagi ng Nepal.

Ilang empleyado at mga residente ang nagmamadaling lumabas ng kanilang opisina at bahay dahil sa takot.

Pansamantala rin pinutol ang suplay ng kuryente sa Northeast India matapos i-shutdown ang mga thermals station bilang precautionary measures.

Wala pang naiulat na nasaktan at nasirang ari-arian dahil sa lindol.

Tags: , ,