Isang magnitude 4.0 na lindol ang yumanig sa Nueva Ecija, 9:00 Huwebes ng gabi.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa layong 5 kilometro (km) timog-kanluran ng San Jose City.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 1 km.
Intensity III ang naramdaman sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija habang intensity II sa Quezon City, Palayan City at Cabanatuan City.
Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks ang Phivolcs.
Tags: earthquake, intensity, magnitude, Nueva Ecija, PHIVOLCS