Magkapatid na Parojinog, nag-negatibo sa drug test ng PNP Crime Lab

by Radyo La Verdad | August 16, 2017 (Wednesday) | 7790

Walang epekto sa kaso laban sa magkapatid na Parojinog ang resulta ng drug test na isinagawa ng PNP Crime Lab sa mga ito.

Ayon sa PNP, ang nasa search warrant ang naging batayan sa mga kasong isinampa sa magkapatid na Parojinog. Kumuha ng urine sample ang crime lab sa magkapatid noong July 31 at negatibo ang resulta nito sa drug test.

Walang nakitang bakas ng methamphetamine at THC sa katawan nina Nova Princess at Reynaldo Parojinog Jr. Ang mga naturang kemikal ay sangkap ng mga itinuturing na dangerous drugs gaya ng marijuana.

Subalit hindi anila ito batayan upang sabihin na hindi kailanman gumamit ng droga ang isang tao.

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,