Magandang panahon, mararanasan sa Northern Luzon dahil sa epekto ng ridge ng high pressure area

by Radyo La Verdad | September 17, 2018 (Monday) | 3155

Apektado ngayon ng ridge ng high presssure area ang Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, mangangahulugan ito na makararanas ng magandang panahon sa mga lalawigan sa lugar na dinaanan ng Bagyon Ompong.

Pero may posibilidad pa rin na makaranas ng papulo-pulong pag-ulan sa bansa kasama na ang Metro Manila lalo na pagdating ng hapon o gabi.

Sa ngayon ay wala pang nakikitang panibagong bagyo o LPA sa Philippine area of responsibility (PAR).

 

Tags: , ,