Mag-asawang naaksidente sa motorsiklo sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 2784

Nadatnan ng UNTV News and Rescue Quezon City Team ang mag-asawang ito na sugatan matapos maaksidente sa motorsiklo sa Quezon Ave. corner Eliptical Road Quezon City kaninang umaga. Papasok na sana ng trabaho ang mga biktima na kinilalang sina Cathy at Michael Villanueva.

Ayon sa traffic enforcer sa lugar, nawalan ng balanse ang motor ng mag-asawa matapos may isa pang motorsiklo na nag cut sa kanilang dinaraanan.

Nagtamo ng sugat sa tuhod at paa sina Cathy at Michael na agad naman nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue.

Matapos bigyan ng first-aid ay tumanggi nang magpahatid sa ospital ang mga biktima.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,