Mag-asawang naaksidente sa motorsiklo sa Cabanatuan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 26, 2016 (Friday) | 1156

GRACE_TMBB
Naabutan ng UNTV News and Rescue Team ang lalakeng namimilipit sa sakit na dulot ng pagkakabuwal ng kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Bangad, Cabanatuan City pasado alas nueve ng kagabi.

Kinilala ang biktima na si Diosdado Cruz 49-anyos residente ng Barangay Pangatian, Cabanatuan City na iniinda ang pananakit ng kanyang likod.

Samantalang ang kanyang maybahay na angkas sa motor na si Leonalyn Cruz 30 anyos ay nagkaroon ng gasgas sa kanyang tuhod at paa.

Agad nilapatan ng pang unang lunas ng grupo ang mag asawa sa kanilang mga tinamo.

Ayon sa salaysay ng mag-asawa sinakop ng kasalubong na elf truck ang kanilang linya kayat nawalan sila ng balanse hangang sa tuluyang matumba.

Matapos mabigyan ng pang unang lunas dinala na ang mga ito sa Dr Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center o PJGMRMC sa Cabanatuan City.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: ,