Mag-asawang naaksidente sa motorsiklo sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 30, 2017 (Monday) | 1015


Sa loob na ng police patrol naabutan ng UNTV News and Rescue Team ang mag-asawa na sugatan matapos maaksidente sa Barangay Burol 1st Balagtas,Bulacan kaninang madaling araw.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang dalawa na kinilalang sina Rodrigo Magtana, 30 anyos at Jennifer Reyes, 29 anyos, residente ng Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan.

Nagtamo ng sugat at gagas sa ibat-ibang parte ng katawan ang mga biktima matapos sumemplang.

Ayon kay Rodrigo, pauwi na sana sila ng bahay at binaybay ang Mc Arthur Highway nang bigla siyang mapuwing at mawalan ng kontrol sa motorsiklo.

Nagpasalamat naman ang mga pulis sa ginawang tulong ng UNTV.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,