Mag-asawa sa Nagcarlan Laguna patay matapos pagbabarilin ng manliligaw ng anak

by Radyo La Verdad | August 16, 2016 (Tuesday) | 1302

LAGUNA
Dead on the spot ang mag-asawang Felciano at Lorna Doria matapos pagbabarilin ng isang security guard sa barangay Poblacion Dos Nagcarlan Laguna kahapon ng hapon.

Kritikal naman sa Calamba Ospital ang kanilang anak na si Francis Anne 18- anyos matapos tamaan ng stray bullets.

Sa inisyal na imbestigasyon Ng Nagcarlan Pulis binasted ni Francis Anne ang suspect na si Richard Monfero 34-anyos na isang security guard.

Hindi umano ito natanggap ng suspect kaya binalingan ang mga magulang ng kaniyang nililigawan.

Nagbaril naman sa sarili ang suspect na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay matapos makipaghabulan at macorner ng mga pulis.

(Sherwin Culubong/UNTV Radio)

Tags: