Ilang kalsada sa Metro Manila, isasara ngayong weekend

by Jeck Deocampo | September 6, 2018 (Thursday) | 3512

 

METRO MANILA – Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpuni ng ilang kalsada sa Metro Manila, kabilang na ang EDSA at C-5 Expressway bukas, Biyernes sa ganap na alas-11:00 ng gabi.

 

Ayon sa DPWH, isasara ang ilang kalsada sa Quezon City, sa EDSA northbound; sa mga kalsada bago dumating sa North Avenue, 6th lane mula sa gitnang bahagi. Kabilang rin ang EDSA Southbound, mula sa unahang bahagi ng Francesca Tower hanggang Scout Borromeo, 3rd lane center island. Kasama rin ang 2nd lane ng Batasan Road mula Payatas hanggang sa Quezon City Polytechnic University.

 

Sa Pasig City naman, isasara ang C-5 Road bago dumating sa Tiendesitas, C-5 flyover at patungong southbound; sa mga kalsada ng Chainage 52 hanggang sa unang linya ng Chainage 420.

 

Gayun na rin ang northbound lane ng A.H. Lacson Avenue mula Aragon Street corner P. Florentino Street sa Maynila.

 

Bubuksan din sa Lunes, ika-10 ng Setyembre, alas-7:00 ng umaga ang lahat ng isinarang kalsada.

Tags: , , , , , , ,