Lugar na posibleng kinaroroonan ng bihag na Norwegian national sa Basilan tinututukan na ng AFP

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 1108
File Photo
File Photo

Patuloy nang nagsasagawa ng operasyon ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command laban sa bandidong Abu Sayyaf Group.

Partikular na tinututukan ng AFP-WESTMINCOM ang isang lugar sa Sulu kung saan pinaniniwalaang itinatago ng Abu Sayyaf ang Norwegian national na si Jakartan Sekkingstad.

Naniniwala ang AFP na buhay pa ang dayuhang bihag kaya patuloy ang mas maigting nilang operasyon upang mabawi ito pati na ang ibang kidnap victims ng Abu Sayyaf.

Nagsagawa rin sila ng aerial bombardment at artillery fire operation sa Tipo-Tipo, Basilan noong linggo kung saan umano nagtatago ang mahigit sa isandaang miyembro ng asg na pinamumuan nina Furuji Indama at Isnilon Hapilon.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,