LTFRB, sinimulan na ang online application para sa TNVS franchise

by Radyo La Verdad | October 23, 2019 (Wednesday) | 17793

Maaari ng mag-apply ng franchise para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) online.

Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang online franchise appointment system bilang tugon sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ang mga TNVS franchise applicants ay maaring magtungo sa website ng LTFRB.

Layon ng hakbang na matugunan ang dagsa ng mga nagtutungo sa tanggapan ng LTFRB para magsumite ng aplikasyon.

Tags: ,