LTFRB, nag-inspeksyon sa mga terminals sa Sampaloc, Manila

by Radyo La Verdad | October 31, 2017 (Tuesday) | 2086

Ilang bus company ang ininspeksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Sampaloc, Manila.

Isa-isa nilang tinignan kung maayos ang mga gulong, wind shiled, headlight, hazard light, wipper at fire extinguisher sa loob ng bus.

Wala naman silang nakitang depekto. Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga bus operator na laging paglaanan ng upuan ang mga persons with disabilities at senior citizen.

Ang hindi umano susunod dito ay maaaring patawan ng parusa at pagmultahin ng hanggang sampung libong piso.

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,