LRTA, humingi ng paumanhin sa pagkasira ng aircon ng ilang tren

by Radyo La Verdad | May 9, 2018 (Wednesday) | 2124

Humingi ng paumanhin sa mga mananakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil sa mainit na temperatura na nararasan ngayon bunsod ng pagkasira ng kanilang mga air conditioning unit.

Sa pahayag, sinabi ng public transport operator na halos labing limang taon na ang mga air-conditioning unit sa kanilang mga tren kaya nangangangailan na ito sumailalim sa “systematic replacement”.

Nagsasagawa na umano ang kumpanya ng kaukulang aksyon ngunit nangangailangan pa rin sila ng sapat na panahon para sa pang matagalang solusyon.

Tags: , ,