LRT at MRT, may libreng sakay ngayong Labor day

by Radyo La Verdad | May 1, 2017 (Monday) | 4126


May libreng sakay sa light rail transit o LRT Line one at two at gayundin ang Metro Rail Transit o MRT Line three para sa mga manggagawa.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Labor day.

Magsisimula ang libreng sakay mula ala-siyete hanggang alas nueve ng umaga at ala-singko ng hapon hanggang alas syete ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang kanilang company ID upang maka-avail ng libreng sakay.

Tags: , , ,