LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo

by Radyo La Verdad | August 2, 2018 (Thursday) | 1443

Posibleng maging bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Gayunpaman, hindi ito papasok ng bansa.

Sa ngayon ay patuloy na nakakaapekto sa western sections ng bansa ang habagat.

Makararanas ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan, Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.

 

Tags: , ,