Lotto, STL, Keno at iba pang operasyon ng PCSO, ipinasara na ni Pangulong Duterte dahil sa matinding katiwalian

by Erika Endraca | July 29, 2019 (Monday) | 2485

MANILA, Philippines – Ipinasara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Lotto Outlets, Small Town Lottery, Keno at iba pang operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa matinding katiwalian.

“I said all gaming activities, ‘yung gambling that got their franchise from government through pcso are as of today suspended or terminated because of massive corruption.” ani Pangulong Rodrigo Duterte

Inutusan niya rin ang pulisya at militar na arestuhin ang sinomang hindi susunod sa kaniyang direktiba at ipagpapatuloy ang kanilang gaming at gambling activities. 

Ngayon, kinukunsidera nang iligal ng pamahalaan ang mga gawain  ng pcso at di rin aniya kikilalanin ng punong ehekutibo ang anomang utos ng korte para ipatigil ang gagawing imbestigasyon ng pamahalaan sa katiwalian sa PCSO.

“I will not honor transactions that are clearly on the side of, you know, scheming people, the republic of the Philippines, of the money due it. Puro dayaan lahat at ‘yung mga kontrata ay parang crafted in favor of corruption and to favor other corporations and people.” ani Pangulong Rodrigo Duterte

Samantala ayon naman sa mga opisyal ng PCSO, handa silang sundin ang utos ng pangulo subalit aapela sila sa kaniya.

 (Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,