Liquor ban, ipatutupad ng MPD sa paligid ng UST kaugnay ng bar exams

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 1512

VICTOR_LIQUOR
Magsisimula na sa darating na linggo ang 2016 bar examinations.

Kaugnay nito, magpapatupad ng liquor ban ang Manila Police District sa mga lugar sa paligid ng University of Santo Tomas sa España, Maynila kung saan isasagawa ang eksaminasyon.

Mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta, pamimigay at pag-inom ng alak sa loob ng isang daang metro ang layo sa unibersidad.

Gaganapin ang bar exams sa November 6, 13, 20 at 27.

Tags: , ,