Umabot na sa 400 ektaryang lupain ang natupok nang wildfire sa Leavenworth, Washington.
Nagsimula ang wildfire alas-diyes ng gabi noong Sabado.
Ipinagutos na ang paglikas ng mga residente sa mga lugar na maaring maapektuhan ng wildfire.
Pansamantalang pinutol ang linya ng kuryente at komunikasyon sa lugar.
Naglagay na rin ng emergency shelter ang red cross para sa mga maapektuhang residente.
Wala pang iniulat na nasugatan o nasawi dahil sa sunog.
Tags: Linya ng kuryente at komunikasyon, nagpapatuloy na wildfire, pinutol na sa Leavenworth, Washington