Limang kotse, nabiktima ng basag-kotse gang sa Timog Ave., Quezon City

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 2486

Nabiktima ng basag-kotse gang ang limang kotseng nakaparada sa Timog Avenue sa Quezon City kagabi. Unang inatake ng  gang  ang Ford Ranger sa Scout Tobias bandang alas otso ng gabi.

Matapos ito ay binasag naman bintana ng isang Fortuner at Mirage na nakaparada sa panulukan ng Scout Tobias at Roces Street, Mitsubishi Montero at Nissan sa Mother Ignacia street, bandang alas nueve.

Nakuha sa mga binasag na sasakyan ang ilang mahahalagang kagamitan tulad ng laptop, cellphone, rolex watch at iba pa na umaabot sa mahigit na kalahating milyong piso.

Iniimbestigahan na  ng pulisya ang insidente.

 

 

Tags: , ,