Limang hinihinalang drug pusher arestado sa buybust operation sa Brgy. Tatalon, Quezon City

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 2370

Matapos ang mahigit isang buwang pagmamanman,  nagsagawa ang Quezon City Police Station 11 ang buybust operation laban sa 5 hinihinalang tulak ng iligal na droga sa Brgy. Tatalon, Quezon City pasado alas diez kagabi.

Arestado sina Carol Mercado, Emilyn Badua, Catalina Mercado, Maria Christina Guevarra at Jimmy Apolinto.

Ayon sa otoridad, matagal nang nasa watchlist si Carol na kamakailan lang ay nakulong na rin dahil sa droga. Kumukuha umano ng droga ang mga suspek sa isang alias Dagul. Inamin naman ng mga suspek na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon naman sa isa sa mga suspek, may banta sa kanilang buhay kung kaya’t patuloy sila sa kanilang gawain.

Narekober sa mga suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 5 libong piso, ilang drug paraphernalia, 1,600 cash at 200 pesos buybust money.

 

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

Tags: , ,