MANILA, Philippines – Tumatak sa mga hurado ang letra at melodiya ng awiting likha ni Chris Givenchi Edejer, taga Davao City, isang guitar at piano instructor.
Ang awiting “Pupurihin Kita” ay kwento ng pagkilala ni Chris sa kabutihan ng Dios sa kaniyang buhay
“This song speaks about my personal encounter with God and words and melody are simple but it expresses my high reverence, honor, and adoration with God. Yung lyrics very personal kasi ito yung sinasabi ko during my prayer time na masaya ako na nakilala ko ang Panginoon sa buhay ko at naramdaman ko yung pag-ibig at pagpapatawad Niya sa akin. And everyday I honor and praise God kasi nakikita ko Siya sa buhay ko”, ani ng komposer.
Para naman sa mga hurado, malaki ang posibilidad na pumasok sa monthly finals ang naturang awitin. Matindi anila ang kalidad ng awiting “Pupurihin Kita.”
“This is what we really call praising God, you know and that’s how it should be. And I think yan ang nasa puso ni Chris when he write the song. It’s really just rejoicing and the Lord,” paliwanag ng huradong si Carla Martinez.
Ayon naman ni Dingdong Avazando, “I really think, this song deserves the finals.”
“Matinding kanta ito. Perhaps hindi pa natin naririnig yung pangalawa, pangatlo, parang ito yung isang matinding kalaban,” ani Mon del Rosario.
Samantala, ipinaabot naman ng interpreter ng awitin na si Nino Alejandro ang pagbati sa ASOP. Aniya hanga siya sa konsepto nitong purihin ang Dios na maylalang sa pamamagitan ng talento at kakayahan ng mga Pilipinong kompositor at mang-aawit.
“Pupurihin kita, you know it’s a great concept kasi tuloy-tuloy yung inspiration to create new music and yun. What’s the right word? Parang yun nga. Tamang outlet para to raise the God given talents that we have ‘di ba? Back to the Lord and at the same time. Yung nga to do which is to sing and make music,” dagdag pa ni Nino Alejandro.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: ASOP TV, ASOP year 8