Libreng tuli ng UNTV Action Center People’s Day, ipagkakaloob sa mga Batangueño

by Radyo La Verdad | May 8, 2015 (Friday) | 2106
Photo courtesy of Photoville International

Photo courtesy of Photoville International

Inihahandog ng UNTV Action Center sa pamamagitan ng Kamanggagawa Foundation Inc. ang libreng tuli para sa mga kababayan natin sa Brgy. Balas, Talisay, Batangas sa darating na Linggo, ika-10 ng Mayo.

Magkakaroon din ng libreng kunsultasyong medikal, dental, optikal, legal at libreng gupit para sa mga taga-Brgy. Balas. Ayon sa mga tagapamahala ng People’s Day, maging ang mga kalapit barangay ay maaari ring magtungo sa People’s Day.

Abangan din ang UNTV Action Center’s People’s Day sa mga sumusunod na lugar at araw:

May 15, 2015, Friday
Brgy. Capri Covered Court, Novaliches, QC

May 22, 2015, Friday
Brgy. Maypajo, Caloocan City

(UNTV-Radio News Center)