Libo-libong soccer fans na manonood ng 2022 World Cup sa Qatar, planong patirahin sa tented desert camps

by Radyo La Verdad | March 23, 2016 (Wednesday) | 696

WORLD-CUP
Sa isang bedouin-style tents patitirahin ng Qatar ang libo-libong soccer fans na manonood ng 2022 World Cup.

Itatayo ang tents malapit sa mga stadium.

Inaasahan ng Qatar na nasa kalahating milyong fans ang titira sa mga hotel at apartment.

Ngunit taliwas ito ng mag-bid ang Qatar sa World Cup noong 2010 na magtatayo ng limampu’t limang libong kuwarto.

Ayon sa mga otoridad 46 thousand room lamang ang nakahanda para sa mga fans.

Batay sa requirement ng FIFA, kailangang maghanda ng 60 thousand rooms para sa pagdaraos ng 2022 World Cup.

(UNTV NEWS)

Tags: ,