Libo-libong pasahero, nananatiling stranded sa Hong Kong Int’l airport

by Radyo La Verdad | August 13, 2019 (Tuesday) | 966

Paralisado ang malaking bahagi ng operasyon ng Hong Kong International Airport. Bunsod ito ng nagpapatuloy na pro-democracy protest ng mga residente roon. Inokupa ng mga ito ang paliparan, ikalimang araw na ngayon.

Isa ang Pilipinong si Grace Lacsapo sa mga nakaranas ng abala. Ayon kay Grace Lacsapo, isang Filipino Tourist, “We didn’t expect that they would go all the way inside. But it’s okay because they’re well behaved in the rally. They’re actually very nice. They’re not intimidating. It’s just that our flight was cancelled. But I think we will be able to go home tomorrow.”

Ayon naman sa Hong Kong protester na si Vincent Kan. “It’s kind of an inconvenience or selfishness caused to other people but we cannot avoid this. It’s somehow unavoidable because we fight for our final goal: that is our freedom.”

Walang airport personnel na tumutulong sa mga pasahero. Wala ring impormasyon mula sa mga airline. Ang Cathay Pacific, na isa sa mga carrier sa International Airport, nag-abiso sa website nito na ipostpone muna ang byahe mula Hong Kong.

Maging ang China Eastern Airlines, HK Express, China Airlines, China Eastern Airlines, Spicejet, at Cathay Dragon, kanselado pa rin ang mga byahe.

Ayon naman sa HKSAR, malaki ang lugi ng pamahalaang Hong Kong dahil sa pagkaparalisa ng operasyon ng International Aviation Hub.

Sinabi rin ni Frank Chan Fan Secretary for Transport and Housing, HKSAR Government “The Hong Kong International Airport is an International Aviation Hub with the third largest passenger volume in the world about 200,000 passengers pass the airport every day, which brings considerable economic benefit brought to Hong Kong.”

Ito na ang ikasampung linggo ng mga kilos protesta sa Hong Kong.

Tags: ,